Luke 20:45-46

Babala Laban sa mga Tagapagturo ng Kautusan

(Mat. 23:1-36; Mar. 12:38-40)

45Habang nakikinig kay Jesus ang mga tao, sinabi niya sa mga tagasunod niya, 46“Mag-ingat kayo sa mga tagapagturo ng Kautusan. Mahilig silang lumibot na nakasuot ng espesyal na damit.
espesyal na damit: sa literal, mahabang damit.
At gustong-gusto nilang batiin silaʼt igalang sa matataong lugar. Mahilig silang maupo sa mga upuang pandangal sa mga sambahan at mga handaan.
Copyright information for TglASD